Madaming nagtatanong sa akin kung nahihirapan daw akong i-reconcile ang pananampalataya ko sa pagiging isang bakla (homosexual). Lagi kong sagot ay hindi. Nagugulat sila sa sagot ko kasi alam nila ang stand ng Simbahang Katoliko ukol sa Homosexuality at sa Same-sex partnership. Nagkikibit balikat na lang ako minsan sa kanila kasi mahaba pang paliwanagan ang magaganap.
Some people may really find it odd that I don't see any problems with my Faith and my sexuality. Actually I never considered it a problem at all. I still remain as an orthodox Catholic, I hold fast to its doctrines and traditions without putting my sexuality into compromise. Hypocrisy? I don't think so. God sees everything, so I can't hide anything from him, even the sins that I commit in the dark.
Hindi ko ginagamit ang pananampalataya ko para pagtakpan ang mga kasalanan ko. Bukas ako sa lahat ng taong nakakaharap ko, at di ko kailangang itanggi kung sino at ano ako. Di ako tulad ng iba na pakitang tao ang pagsisilbi sa Diyos para lamang maitago ang tunay na pagkatao. Di ko kailangang plastikin ang Diyos at ang kapwa ko, wala namang pakinabang akong mapapala pag ginawa ko iyon, bagkus kawalan ko pa. Ang relasyon ko sa aking pananampalataya ay malalim at di nagbabago, kahit hindi tanggap ng simbahan ang pakikipagrelasyon ko sa kapwa lalaki, tumatalima pa rin ako sa tinig niya. Kaya nga Inang Simbahan ang tawag sa kanya, ilang beses man nating suwayin ang ating mga ina, may mga pagkakataon na susundin at susundin din natin siya.
I think that I don't need to convince the Catholic Church to change its stand on Homosexuality, it would be like asking them to let women be ordained as priests. But I do believe that despite the prohibitions and restrictions, the Church does understand everything in as much as God is merciful. Some people may call it tolerance, I would like to call it CHARITY. The Church has the heart for every believer, she embraces everyone no matter what that person is.
I know some of you would refute my claims, you are entitled to it. Siguro iba-iba lang tayo ng perspective sa buhay. I would rather look on the positives that be miserable, yan ang philosopphy ko sa buhay. Malaki ang bahagi ng Simbahan sa aking pagkatao, di ko maitatanggi yan. Minsan naisip ko pang mag-pari dahil sa pagmamahal ko sa kanya, pero mas maipapakita ko ang pagmamahal ko kung di ko gagawin iyon, ayokong maging "liability" ako sa kanya.
Ang mahalaga para sa akin ay ang pagkakaunawa ko kung ano ang Diyos. Sa kabila ng aking pagiging makasalanan ay handa siyang tanggapin ako at gawaran ng kapatawaran. Alam niyang tunay akong nagsisisi sa mga pagkakamali ko at sinusubukan kong mamuhay ng ayon sa kalooban niya. Sa dapit hapon ng buhay, iisang tanong lang naman ang ibabato sa atin ng Diyos... Paano ka nagmahal?